Magandang araw!
Ako si Krisanta at nagtatrabaho ako sa Ban Ying, isang organisasyon para sa mga kababaihan.
Sa Ban Ying, nagbibigay kami ng libreng konsultasyon para sa mga migranteng kababaihan tungkol sa kanilang sitwasyon o kalagayan sa kanilang paninirahan sa Alemanya, lalo na sa mga apektado ng human trafficking, pagsasamantala, at karahasan.
Ang konsultasyon ay sa wikang Filipino, Ingles, Aleman, at iba pang wika.
Alam namin na sa panahon ngayon dulot ng krisis sa corona, nawawalan tayo ng katiyakan at seguridad, at may mga bagong paghamon at problema sa ating pamilya, trabaho, at lipunan. At may mga katanungan tayo kung ano ang mga tulong o suporta na maaari nating matanggap.
Kaya kami sa Ban Ying ay naririto para sa inyong mga katanungan. Kaya huwag kayong mag-alinlangan na lumapit sa amin. Tumawag lamang kayo o mag-email.
Maraming salamat!
Hello my name is Lea and I work for the organisation Ban Ying.
At Ban Ying we provide consultations for migrant women* who are affected by trafficking, exploitation and violence.
We consult in different languages, English and Tagalog, among others.
We know that in these times of the corona crisis, new insecurities and challenges are emerging concerning for example, residence status, working conditions and social help.
So do not hesitate to reach out to us by phone or mail if you have questions or if you need support.